24/7 na libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pinahaba ng DOTr

Pinahaba pa ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng 24/7 na libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.

Sa halip na sa December 15 ay ipapatupad na ito simula December 1 hanggang December 31, 2022.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, layon ng pagpapalawig ng 24/7 free ride na makatulong sa inaasahang pagdagsa ng mas maraming tao sa Christmas rush.


Ito ay upang matiyak din na may masasakyan ang mga manggagawang gabi nang makauuwi dahil sa adjusted mall hours.

Tiniyak naman ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) na nakatutok sila sa pagbabantay sa kaligtasan ng mga pasahero.

Maglalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng board resolution upang gawing pormal ang kautusan ng DOTr sa mga operator ng bus na dumadaan sa EDSA busway.

Facebook Comments