24 BARANGAY SA CALASIAO, NAKARARANAS PA RIN NG PAGBAHA

Nararanasan pa rin sa mga barangay sa bayan ng Calasiao ang pagbaha bunsod ng epekto ng nagdaang mga bagyo at habagat.

Sa pinakahuling monitoring ng Calasiao MDRRMO, dalawampu’t-apat (24) pang barangay lubog pa rin sa pagbaha. Ito ay ang mga ss:

Purok 1 at Sitio Binco sa Brgy. Talibaew, Sitio Subdivision sa Brgy. Lumbang, Sitio Talitnong sa Brgy. Ambonao, Purok 1, 3 at 6 sa Bued, Sitio Pandayan sa Gabon, Sitio Casintak sa Longos, Poblacion East, Poblacion West, Sitio Tebron at Habagat Road sa Mancup, Sitio Binco, Sitio Soriano at Lasip 3 sa Buenlag, Sitio Otel sa Lasip, Sitio Centro at California sa Quesban, Sitio Cabaruan at Bengal Road sa Banaoang, Malabago, Sitio Panqui, Bacayao at Centro sa Nalsian, mga barangay pa ng Dinalaoan, Cabilocaan, San Miguel, San Vicente, Nagsaing, Macabito, Ambuetel, Sitio Buca sa Songkoy at Sitio Baba sa Doyong.

Ayon sa MSWDO, As of July 25, dahilan ang pagbaha, nakapagtala ng kabuuang 68, 072 na mga indibidwal ang naapektuhan at katumbas nito ang 20, 631 na mga pamilya.

Nagpapatuloy na nagpapaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments