24 Barangay sa Santiago City, Apektado ng Pagbaha dahilkay Bagyong Ulysses

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 24 na Barangay sa Santiago City ang lubos na napinsala ang mga pananim at mga kabahayan bunsod ng malawakang pagbaha dala ng Bagyong Ulysses.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nakaalerto pa rin sila para matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa kabila ngayong nakakaranas pa rin ng bahagyang buhos ng ulan.

Bukod dito, personal din na nag-ikot si City Mayor Joseph Tan sa mga barangay na naapektuhan ng paglubog ng mga kabahayan dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig dahil sa pag-uulan.


Tiniyak din ng lokal na ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga residente na inilikas at nananatili ngayon sa mga inilaang evacuation center.

Samantala, nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na iwasan ang paglusong sa mga tubig baha para makaiwas sa sakit gaya ng Leptospirosis.

Facebook Comments