Umabot na sa dalawampu’t apat (24) ang mga lugar na zero covid-19 cases na kinabibilangan ng Angadanan, Benito Soliven, Cabagan, Cabatuan, Delfin Albano, Dinapigue, Divilacan, Jones, Luna, Maconacon, Mallig, Naguilian, Palanan, Quezon, Quirino, Ramon, Reina Mercedes, San Agustin, San Guillermo, San Isidro, San Mariano, San Pablo, Sta. Maria, at Tumauini.
Patuloy naman na bumababa ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na ngayon ay nasa dalawampu’t isa (21) na lang ang aktibong kaso sa buong Isabela matapos madagdagan ng isang tinamaan ng virus.
Umabot na sa 2,248 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 makaraang walang maidagdag sa bilang ng mga nasawi.
Nasa 66,655 naman ang bilang ng mga nakarekober mula sakit ngunit patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan sa publiko ang pagsunod sa minimum public health standard kahit nasa Alert Level 1 ang apat (4) ang Isabela.