24 EXHIBITORS, NAKILAHOK SA PANIBAGONG KADIWA ON WHEELS AGRI-PRODUCT EXPO

Sa isang buwan, minsan na ginaganap ang KADIWA on WHEELS na patuloy na tinatangkilik ng mga Pangasinense.
Muling isinagawa ang nasabing programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamunuan ni Gov. Ramon Guico III sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) katuwang ang Department of Agriculture sa may Baywalk, Capitol Compound, Lingayen.
Dalawampu’t-apat na Exhibitors mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ang lumahok dala ang ibat ibang produktong ibebenta na mabibili sa mas kayang halaga.

Bukod sa KADIWA, paboritong pinupuntahan ngayon ng mga bisita at mamimili ang Capitol Christmas Bazaar tampok ang mga ibat ibang pagkain at iba’t-ibang bilihin. |ifmnews
Facebook Comments