
Nagpatupad ang Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng crackdown laban sa iligal street racing at iba pang traffic law violations sa Maasim Bypass Road, San Rafael, Bulacan.
Batay sa impormasyon, tuwing Sabado at Linggo mula 4:00 PM hanggang 7:00 PM, nagtitipon ang mga kabataang motorista para makipagkarera at mag-motorcycle exhibition nang walang suot na helmet.
Matatandaan noong Aug. 3, 2025, isang motorsiklo na sangkot sa ilegal na karera ang nakabangga ng biktima habang tumatakas sa pulisya, dahilan ng pagkasugat nito.
Sa nasabing operasyon kinumpiska ang 19 na motorsiklo na ginagamit ng mga kabataan sa pangangarera.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code), RA 11235 (Motorcycle Prevention Act) at Alarm and Scandal.









