Sa pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng the 84th Infantry (VICTORIOUS) Battalion at General Tinio Municipal Police Station, nahulog sa kanilang kamay ang 24 na umano’y mga security personnel ni incumbent Mayor Isidro T Pajarillaga ng General Tinio at Mayoralty Candidate Virgilio Bote.
Nag-ugat ang kanilang pagkakahuli sa tulong ng sumbong ng mga residente sa lugar matapos na magkaroon ng palitan ng putok ng baril sa pagitan ng grupo ng mga nasabing security personnel.
Kasabay ng pagkaka-aresto ng mga nasabing indibidwal, nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang 23 piraso ng armas na kinabibilangan ng limang (5) M16 rifle, 12 Caliber 45 pistol, isang Caliber 40 pistol at dalawang (2) 12-gauge shotgun.
Narekober din sa pinangyarihan ng krimen ang 71 na bala ng Caliber 5.56; 138 bala ng cal .45; 41 bala ng Cal 9mm; 12 bala ng cal .4; walong (8) bala ng shotgun; anim (6) na magazines ng m16 rifle; 26 magazines ng pistols; walong (8) holsters; 20 cellular phones at tatlong (3) handheld radios.
Mula sa 25 na nahuling security personnel, lima (5) sa kanila ang sugatan na dinala sa pagamutan.
“We would to thank the community for their cooperation to the authorities kasi kung hindi na i-report agad ang ganitong criminal activity ng mga involved na mga indibidwal, marahil naging mas madugo pa ang nangyaring insidente at ayaw natin mangyari ito. On the part of the Army, we do not tolerate the existence of private armed groups that will destroy the peace and order for tomorrow’s conduct of election,” pahayag ni MGen Andrew D Costelo PA, Commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.
Samantala, dinagdagan na ang pwersa ng pulis at sundalo sa lugar dahil sa nangyaring insidente bago pa man sumapit ang mismong araw ng botohan.