24 katao, patay matapos mahulog sa tulay ang sinasakyang bus

JAIPUR, India – Isang bus na naglalaman ng 28 pasahero ang nahulog sa tulay na biyahe noon papunta sana sa isang wedding party.

Kumitil ng 24 katao ang aksidente, 10 rito ay mga kababaihan, batay sa report ng pulisya.

Ayon kay Bundi district police superintendent Shrivaj Meena, nawalan umano ng kontrol ang tsuper ng bus habang tumatawid sa isang tulay rason para mahulog ito.


Dagdag niya, “The bus was carrying a marriage party from Kota. The bus fell off a bridge.”

Saad pa ni Meena, 28 katao ang nakasakay sa bus at ang apat ditong nakaligtas ay agad namang isinugod sa ospital.

Samantala, tulong-tulong umano ang mga rescuers at ibang naninirahan sa lugar para marekober ang mga katawan mula sa bus na halos nakalubog na sa tubig.

Kaugnay nito, naitala naman na ang bansang India ay mayroong mahigit 150,000 kaso ng road deaths o ang mga nasasawi dahil sa mga road accidents kada taon.

Facebook Comments