Lalaking gumahasa at pumatay sa batang may special needs, patay matapos manlaban

722

TAGKAYAWAN, QUEZON – Dead on the spot ang suspek sa panggagahasa at pagpaslang sa isang batang may special needs matapos daw manlaban sa pulisya.

Kinilala ang nasawi na si alyas Papa Jun, 60, residente ng Barangay Ibabang Alsam sa Tayabas, Quezon.


Pahayag ni Col. Audie Madrideo, hepe ng Quezon police, nakorner ng mga pulis ang suspek sa pinagtataguang kubo pasado alas-3 ng hapon noong Miyerkoles.

Pero imbis na sumuko, sinubukan pa daw nitong maghagis ng granada.

Dito na daw napilitan ang mga pulis na barilin siya.

Si Gravamen ang itinuturong humalay at pumatay sa isang Grade 5 student, na may autism spectrum disorder.

Ayon sa mga saksi, ang suspek ay siyang huling kasama ng biktima bago ito mawala noong Pebrero 19.

Natagpuan ang bangkay ng batang babae sa isang liblib at masukal na lugar, Sabado ng umaga.

Batay sa awtopsiya, sinakal at pinukpok ng bato sa ulo ang musmos matapos gahasin ng lalaki.

Facebook Comments