24 Katao, Patay Sa Pananalasa Ng Bagyo Sa Bangladesh

17

BANGLADESH – Sa Bangladesh, dalawamput apat (24) ang patay at mahigit sa limang daang libong residente ang lumikas sa pananalasa ng Cyclone Roanu.Hinagupit ng bagyo ang coastal areas ng Bangladesh kung saan nagkaroon ng pagbaha, landslide at lumubog ang mga kabahayan.Sarado rin ang mga pantalan at putol din ang suplay ng kuryente sa mga nasalantang lugar.Sa Indonesia, pito ang patay habang dalawa ang kritikal na nasugatan sa pagputok ng Mount Sinabung sa Sumatra Island.Ang mga biktima ay pawang mga magsasaka malapit sa bulkan na ideneklarang danger zone.

Facebook Comments