Walumpung Myembro Ng Lp, Lumipat Na Sa Koalisyon Ni Duterte

8

MANILA – Patuloy ang paglipat ng mga kongresista na kaalyado ng Liberal Party sa Coalition for Change ni incoming President Rodrigo Duterte at Davao Del Norte Pantaleon Alvarez na napipisil na maging House Speaker.Sinasabing 80 miyembro ng LP na bumubuo sa halos 70 porsyento ng 116 na mga mambabatas ang nagsabi ng suporta kay Alvarez ng PDP-Laban.Kahapon, pumirma rin ng manifesto ng pagsuporta kay Alvarez ang Visayan bloc na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez.Karamihan sa mga lumagda ng manifesto ay mga miyembro ng LP na sumuporta sa kandidatura ni dating Interior Secretary Mar Roxas noong halalan.Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta ay sina Iloilo Rep. Jerry Treñas, Congresswoman Lucy Torres-Gomez at ilan baguhang kongresista.

Facebook Comments