24 na pamilya, apektado sa sunog sa Brgy. Commonwealth, Quezon City

83

24 na pamilya ang nawalan ng matitirhan matapos matupok ang 12 kabahayan sa 9727 Kasunduan Street, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ayon kay SFO3 Rolando Valeña, alas-12:53 nang magsimula ang sunog sa second floor ng bahay ni Teresita Lonzaga.

Dahil yari sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy at itinaas ito sa second alarm bago idineklarang fire out bandang alas-2:33 ng hapon.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP) aabot sa ₱30,000 ang halaga ng ari-ariang natupok.

Napabayaang gamit na de-kuryente ang tinitingnang dahilan ng sunog.

Samantala, walang naiulat na nasugatan sa sunog.

Facebook Comments