24, nagpositibo sa COVID-19 sa pag-rollout ngayong araw ng Swab Cab testing initiative ng OVP

Sinimulan ngayong araw ng Office of the Vice President (OVP) ang rollout ng Swab Cab testing sa Malabon bilang suporta sa mga local government sa harap ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ang mga bus o swab cab ay umikot s Barangay Longos, Potrero, Tonsuya, Tañong at Flores.

Layon ng Swab Cab na makapabigay ng antigen testing sa mga komunidad na may mataas na transmission rates at makapagsagawa ng mabilis na contact tracing at isolation efforts.


Nakipag-partner si Vice President Leni Robredo sa Kaya Natin Movement na nagkaloob ng antigen test at care kits na naglalaman ng mga face masks at face shields.

Ang mga bus na umikot sa mga testing areas ay sa pakikipagtulungan naman ng UBE Express.

Responsibilidad naman ng mga Local Government Unit (LGU) ang paghahanda ng listahan ng mga residente na isasailalim sa testing at sa pagpapanatili ng seguridad.

Sa 419 tests na isinagawa sa pilot areas, 24 ang nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments