Para sa mabilis na serbisyong pangkalusugan, inihahanda na ng lokal na pamahalaan lungsod ng Dagupan sa pamumuno ni Mayor Belen Fernandez ang 24-hour emergency health center ng lungsod.
Inatasan na ni Mayor Belen ang City Health Office sa pangunguna ni Dr. Ophelia Rivera ukol dito kaakibat ng pagbubukas ng Diagnostic Center ng siyudad.
Libre ang CT SCAN, X-ray, ECG, ultrasound, at blood test para sa mga indigent Dagupeños sa naturang Diagnostic Center na ipinatayo ng administrasyong Fernandez taong 2019 sa tulong ng Department of Health.
Kasama rin sa mas pinalawig na serbisyong pangkalusugan ang planong Super Family Health Clinic na itatayo sa Barangay Bolosan, para sa mga taga eastern barangays, at ang pagsasa-ayos ng CHO satellite extension sa naman sa mga nasa Bonuan area.
Samantala, tinawag rin ni Mayor Belen ang pansin ng mga concerned offices para sa agarang aksyon sa reklamo ng mga residente sa Sitio China, Barangay Bonuan Binloc, laban sa mabahong poultry sa kanilang lugar.
Dahil sa banta nito sa kalusugan, nagsagawa na ang City Health Office (CHO) ng medical check-up sa mga residente dito. Nagdala din ang mga CHO personnel ng mga gamot at bitamina para sa mga residente. | ifmnews
Facebook Comments