24 ospital at vaccination sites sa Metro Manila, lalahok sa bakunahan para sa mga edad 5 hanggang 11 sa Pebrero 4

Hindi bababa sa 24 na ospital at non-hospital-based vaccination site ang bubuksan sa National Capital Region (NCR) para sa pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11 sa Pebrero 4.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, inaasahang dadating ang supply ng mga bakunang ginawa para sa naturang age group dalawang araw bago ang rollout.

Aniya, posibleng buksan na rin sa lahat ng edad lima hanggang 11 ang bakunahan sa Pebrero 4, may comorbidities man o wala.


Sinabi naman ni National Task Force Special Adviser Dr. Ted Herbosa na isinasapinal pa ng gobyerno ang guidelines para sa pagbabakuna sa nasabing age group.

Pero gaya ng pagbabakuna sa edad 12 hanggang 17, kailangan aniyang samahan ng mga magulang ang kanilang anak para pumirmang pinahihintulutan nilang bakunahan ang bata at maaari ring kailanganin ang ilang dokumento gaya ng birth certificate sa pagbabakuna.

Facebook Comments