COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, bumoto para ma-disqualify si presidential aspirant Bongbong Marcos

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na bumoto siya para ma-disqualify si presidential aspirant at dating Senador Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Guanzon, ito ay dahil nahatulan na si Marcos noon sa isang krimen na may kaugnayan sa moral turpitude na isa sa grounds para sa disqualification sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Sa kabila nito, may hinala umano si Guanzon na mayroong ilang tao na nakikisawsaw at sinusubukang impluwensiyahan ang magiging boto ng commissioners.


Sa ngayon, naisumite na ni Guanzon sa dalawa pang commissioners ng First Division ang kaniyang opinion bago ang nakatakdang pagreretiro sa Pebrero 2.

Facebook Comments