24,000 OFWs na nag-quarantine sa Metro Manila, ihahatid na ng sweeper flights sa Visayas at Mindanao

Nagsimula nang ilipad ng sweeper flights patungo sa Visayas at Mindanao ang OFWs na nakakumpleto na ng kanilang mandatory quarantine sa mga hotel at iba pang quarantine facilities sa Metro Manila.

8,000 OFWs kada araw ang target na ihatid ng sweeper flights sa Visayas at Mindanao mula ngayong araw hanggang sa Miyerkules.

Partikular na ihahatid ang mga OFWs sa Cagayan De Oro, Tacloban, Bacolod, Davao, Cebu, Iloilo at Zamboanga.


Sila ay pawang nag-negatibo sa COVID-19 test at bitbit nila sa kanilang pag-uwi ang quarantine certificate na nagpapatunay na nakumpleto nila ang 14-day mandatory quarantine na required ng Bureau of Quarantine (BOQ).

May dala rin silang sertipikasyon na magpapatunay na sila ay negatibo sa COVID-19 at ipapakita nila ito sa Local Government Unit (LGU) sa kanilang lalawigan.

Nakipag-ugnayan naman ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga LGU para sunduin ang mga OFW sa airport at ihatid sa kanilang localities

Facebook Comments