24,000 POGO workers, nakaalis na ng Pilipinas –BI

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na 24,000 na mga dayuhang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang nakaalis na ng bansa.

Sa harap ito ng nalalapit ng December 31 deadline ng BI para boluntaryong umalis ng Pilipinas ang illegal POGO workers.

Kinumpirma naman ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na may walong libo pang POGO workers ang naiwan sa Pilipinas.


Aniya, nag-apply ang mga ito para ma-downgrade ang kanilang work visa sa visitor’s visa.

Una nang nag-anunsyo ang BI na pagkatapos ng December 31 ay awtomatiko na nilang ilalagay sa blacklist ang illegal POGO workers na hindi boluntaryong umalis ng Pilipinas.

Facebook Comments