241 aftershocks, naitala matapos ang 6.5 magnitude na lindol – PHIVOLCS

Manila, Philippines – Umabot na sa 241 aftershocks ang naitala ng PHIVOLCS sa buong magdamag matapos ang magnitude 6.5 na lindol sa Leyte.

Naitala ang epicenter nito sa layong 67 kilometers sa kanluran ng bayan ng Jaro, Leyte na may lalim na dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang pagyanig sa sumusunod na lugar:


Intensity 5 – Tacloban City, Palo Leyte, Cebu City
Intensity 4 – Tolosa (Leyte); Sagay City (Negros Occidental); Burgos, (Surigao Del Norte).
Intensity 3 – Bogo City (Cebu), Calatrava (Negros Occidental)
Intensity 2 – Libjo, San Jose At Cagdianao Sa Dinagat Islands.
Intensity 1 – Roxas City at La Carlota City Sa Negros Occidental.

Sa interview ng RMN kay PHIVOLCS Director Renato Solidum – gumalaw ang segment ng Philippine fault line kaya nangyari ang lindol.

Tiniyak naman ni Solidum na walang epekto ang nangyaring lindol sa ‘west valley fault’ na dumadaan sa ilang lungsod sa Metro Manila at kalapit na probinsya.

Facebook Comments