Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na 242 indibidwal mula sa 13.8 milyong fully vaccinated Filipinos ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nakaramdam ang mga ito ng breakthrough infection matapos ang 14 araw na maturukan ng gamot.
Sa nasabing bilang, 180 ang naturukan ng Sinovac; 47 sa AstraZeneca recipients; 11 sa Janssen; at apat sa Pfizer.
Mula naman sa 9.22 milyong indibidwal na nakatanggap ng unang dose mula nitong Agosto 29, 732 ang nahawaan ng COVID-19 at 98 ang nahawaan pagkatapos ang second dose.
Nasa 63 indibidwal na kulang ng vaccination data ang nagpositibo rin sa COVID.
Facebook Comments