242 Milyon, Naitalang Pinsala sa Sektor ng Agrikultura sa Probinsya ng Cagayan

*Cauayan City, Isabela*-Umabot na sa kabuuang 242 milyong piso ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Lalawigan ng Cagayan matapos ang pinsala na dulot ng magkasunod na Bagyong Quiel at Ramon sa Probinsya.

Ayon kay Regional Director Narciso Edillo ng DA region 2, kabilang sa mga apektadong pananim ay palay, high value crops at livestock ng mga pamilyang higit na napinsala ng bagyo sa 17 bayan sa Cagayan.

Dagdag pa ni Director Edillo, umabot sa 69 milyon ang pinsala sa mga pananim na gulay, 3 milyon sa livestock gaya ng babuyan habang 170 milyong piso ang kabuuang pinsala sa mga palayan sa nasabing probinsya.


Sa ngayon ay nagkaloob na ang DA Central Office ng inisyal na tulong na 30 milyon para maibigay sa mga apektadong magsasaka.

Tiniyak naman ng DA region 2 ang mga ayudang maipagkakaloob sa magsasaka upang muling makapagsimula sa kanilang mga nasirang sakahan.

Facebook Comments