Nakapagtala ang Commission on Elections sa CALABARZON ng aabot sa 243 depetikbong vote-counting machine noong araw ng halalan.
Ayon kay Police Regional Office 4A Public Information Office chief Police Major Mary Anne Crester Torres, nanguna ang probinsya ang Batangas sa pinakaraming bilang depektibong VCM na 91.
Sumunod naman ditto ang Laguna na may 61; Cavite na mayroon 33 defective VCM; Quezon na may 31 at Rizal na may 27 depektibong VCM.
Sa naturang bilang, 80 rito ang naayos habang 67 dito ay pinalitan ng gumaganang VCM at 96 dito ang nananatiling depektibo.
Sa kabuuan, sinabi ng PRO 4A na generally peaceful ang naging halalan sa CALABARZON kung saan nakapagtala ng minor incident sa pagitan ng isang botante at isang news reporter sa bayan ng Balayan sa Batangas