San Juan City Mayor Francis Zamora, muling nahalal bilang alkalde ng lungsod

97

Pormal nang idineklara ng Commission on Elections bilang alkalde ng San Juan City si incumbent mayor Francis Zamora ilang oras matapos magsara ang botohan kahapon.

Sinelyuhan ni Zamora ang kaniyang pagkapanalo matapos makapagtala ng 66,883 votes, mas malaki kumpara laban sa katunggali na si Jun Usman na nakakuha lamang ng 9,413 votes.

Ito na ang ikalawang termino niya bilang alkalde ng lungsod ng San Juan.


Bago nito ay nanungkulan ito bilang vice mayor ng lungsod mula 2010 hanggang 2016.

Samantala, nanalo rin ang kaniyang running mate na si Warren Villa bilang vice mayor matapos makapagtala ng 55,920 votes laban kay Philip Cezar na mayroong 16,608 votes lamang.

Facebook Comments