248 na Pinoy, apektado ng pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria

Aabot sa 248 Pinoy ang apektado ngayon ng pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.

Ayon kay Philippine Ambassador to Turkey Marie Elena Algabre, bukod sa mga sugatan ay wala namang naitalang Pinoy na nasawi sa malakas na lindol.

Marami aniyang gusali ang gumuho o napinsala kaya may mga Pinoy ang nananatili sa mga shelter.


Problema rin ng mga residente ang kuryente at matutuluyan lalo na’t malamig ang panahon habang may paparating pa na sama ng panahon.

Patuloy aniya ang pakikipag-ugnayan ng embahada sa ating mga kababayan doon.

Sa ngayon ay pumalo na sa halos apat na libo ang bilang ng namatay sa pagtama ng lindol sa Turkey at Syria habang daang libo na ang sugatan at nawalan ng tirahan.

Nagdeklara na ng State of Emergency ang Turkey at Syria dahil sa tindi ng pinsala ng pagyanig.

Facebook Comments