249,000 contact tracers, muling sasanayin ng gobyerno

Nasa 249,000 contact tracers ang sasanaying muli ng gobyerno kasunod ng COVID-19 surge sa National Capital Region.

Ayon kay Baguio City Mayor at Contact Tracing Czar Benjamin Magalong, hinihintay lang niyang matapos ang recruitment ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa karagdagang 5,000 contact tracers.

Sa ngayon nasa 1:15 ang itinakdang ideal contact tracing ratio mula sa dating 1:37.


Samantala, pinag-aaralan na ng DILG ang contact-tracing app na StaySafe para sa public use habang isa pang contact-tracing system ang ginagawa ng National Economic and Development Authority.

Facebook Comments