Nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Taguig kahapon, pasado alas-9:00 kagabi.
Batay sa pinakabagong tala ng Health Department ng lungsod, umabot ng 25 na bagong confirmed cases COVID-19 ang kanilang naitala.
Kaya naman umakyat ang kabuuang bilang nito sa 714, kung saan 21 ang nasawi at 142 naman ang recoveries.
Batay pa rin sa kanilang tala, ang mga bagong pasyente na tinamaan ng virus ay mula sa Bagumbayan, Central Bicutan, Fort Bonifacio, Pinagsama, South Daang Hari, Upper Bicutan at Western Bicutan.
Simula January 27 hanggang June 23, 2020, mayroon ng 3,753 na suspected COVID-19 cases ang lungsod.
Facebook Comments