25-billion pesos, kailangang pondo para mabakunahan ang mga menor de edad

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole ay sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na posibleng mangailangan ng 25-billion pesos para mabakunahan ang 15-milyong bata sa bansa na edad 12-anyos pataas.

Ayon kay Dominguez, sa nabanggit na halaga ay Pfizer vaccine ang ikinonsidera dahil ito pa lang ang naituturok sa mga batang dose anyos pataas sa ibang bansa.

Sabi ni Dominguez, maaring magbago pa ang halagang kailangan depende kung magpasya ang mga health experts at panintulutan sa mga bata ang iba pang brand ng COVID-19 vaccine.


Binanggit naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na bukod sa Pfizer ay pag-aaralan din ang report na may Emergency Use Approval (EUA) ang China para magamit ang bakuna nito sa mga batang 3 hanggang 17-taong gulang.

Binanggit din ni Galvez ang report na nasa final stages na ang pag-aaral sa pagbabakuna ng Moderna sa edad dose hanggang 17-anyos.

Facebook Comments