25 ENTSUPERNEUR, BINIGYAN LIVELIHOOD STARTER KIT

Nasa 25 na mga PUV operator at driver mula sa lalawigan ng Quirino ang pinagkalooban ng livelihood starter kits sa ilalim ng EnTSUPERnuer Program ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Labor and Employment (DOLE) noong Disyembre 15, 2022.

Ginanap ang awarding ceremony ng mga livelihood kits sa DOLE Quirino Field Office, Cabarroguis, Quirino Province na dinaluhan ng kinatawan ng PUVMP-LTFRB Region 2 sa pangunguna ni Communications Development Officer 1 at EnTSUPERnuer Program Focal Person Joebert Cabanilla at Provincial Director Geraldine Labayani ng DOLE-Quirino.

Tumanggap ang mga natukoy na benepisyaryo ng livelikood kits tulad ng mini-carinderia, fried chicken vending, tailoring/sewing services kit, dishwashing soap retail, bread and pastry, furniture-making tool, car wash services tool at automotive-repair tool.

Ang 25 na indibidwal ay ang first batch ng mga entsuprenuer na nabigyan ng livelihood packages.

Ayon sa LTFRB RO2, nasa 1,015 benepisyaryo mula sa rehiyon dos ang target ng ahensya na mabigyan ng livelihood kits.

Ang at EnTSUPERnuer Program ay bahagi ng Social Support component ng PUVMP na naglalayong magbigay ng tulong pangkabuhayan at business training sa mga PUV operator at driver ng pampublikong transportasyon na nawalan ng ruta matapos maapektuhan ng Local Public Transport Route Plan.

Facebook Comments