25% hazard pay, pinabibigay sa lahat ng mga frontliners; media, ipinasasama sa hazard pay

137

Hinihiling ngayon ni Labor and Employment Vice Chairman at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Partylist Rep. Raymond Mendoza sa gobyerno na bigyan ng 25% hazard pay sa ilalim ng Bayanihan Act ang lahat ng frontline workers sa parehong public at private sector.

Iginiit ni Mendoza na tulad sa mga pampublikong sektor ay nararapat din na mabigyan ng 25% hazard pay ang mga nasa pribadong sektor.


Ang lahat, aniya, ay exposed ang kalusugan sa pagkakaroon ng impeksyon para lamang tuluy-tuloy ang kanilang pagbibigay serbisyo.

Kabilang sa mga frontliners na pinabibigyan ng 25% hazard pay ay ang mga nasa media, bangko, supermarkets, security, manufacturing, sanitation, food industry, delivery at trucking at ang iba pang mga nagtatrabaho sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang mga ito, aniya, ay dapat na nabibigyang pansin at nata-trato ng patas sa ganitong panahon ng krisis.

Sinabi pa ni Mendoza na itinuturing na bayani ang mga frontliners at magsisilbing token lamang ang 25% hazard pay bilang pagkilala sa kanilang pagsasakripisyo dahil tulad ng iba ay may pangangailangan at may mga pamilya ding umaasa sa kanila.

Facebook Comments