Bureau of Immigration, nagpatupad na rin ng ‘dress code adjustment’ sa kanilang mga empleyado dahil sa matinding init

Nagpatupad na rin ng dress code adjustment ang Bureau of Immigration para sa kanilang mga empleyado.

Ito ay sa harap ng matinding init sa maraming lugar sa bansa.

Sa memorandum ng Administrative Division ng BI, nakasaad na mula May 7 hanggang May 31 ay pwedeng magsuot ng smart casual uniform ang kanilang mga empleyado.


Gayunman, tuwing Lunes ay required ang mga kawani na magsuot ng complete uniform.

Exempted naman sa memorandum ang mga empleyado na nasa civil security unit at ang mga nakatalaga sa International Ports of Entry and Exit.

Facebook Comments