25 Indibidwal, Positibo sa COVID-19

25

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawampu’t limang (25) katao mula sa Lungsod ng Cauayan.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health Region 2, mula sa 25 new COVID-19 cases sa rehiyon dos, tatlo (3) ang bagong nagpositibo sa Cagayan, apat (4) sa Isabela, apat (4) sa Santiago City, isa (1) sa Quirino at labing tatlo (13) sa Nueva Vizcaya.


Dahil dito, umabot sa 314 ang total active cases ng rehiyon mula sa kabuuang bilang na 3,461 confirmed cases.

Umakyat naman sa 3,095 ang bilang ng mga gumaling sa sakit habang nasa 52 ang naitalang total death cases.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang ginagawang contact tracing ng mga kinauukulan para sa mga taong nakasalamuha ng mga bagong positibo.

Facebook Comments