Limang preso sa Lebanon, patay matapos bumangga sa puno ang sasakyang ginamit nila sa pagtakas

30

Patay ang 5 preso matapos bumangga sa puno ang sasakyang ginamit nila sa pagtakas kasunod ng nangyaring mass jailbreak sa Lebanon.

Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente nang tangayin ng anim na bilanggo ang isang kotse makaraang makatakas sa pasilidad sa Ba-abda district sa pamamagitan ng pagsira ng pinto ng kanilang selda.


Aabot naman sa 15 preso ang nahuli at isa ang naitalang sugatan.

Sa ngayon, naglunsad na ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa jail-break.

Facebook Comments