25 kadete ng PNPA Class 2020, piniling magserbisyo sa BJMP; apat sa mga ito, kabilang sa Top 10

Malugod na tinanggap ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nasa dalawampu’t limang (25) kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Mandayug” Class of 2020 na piniling sa BJMP maitalaga.

Sa isang statement, sinabi ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral, lubos na kinakailangan ng BJMP ang mga jail cadets dahil magbibigay sila ng inspirasyon bunga ng mga prinsipyo ng hustisya, karangalan at serbisyo na humubog sa kanila sa PNPA.

Dagdag pa ni Iral, dahil sa kinakaharap na COVID-19 pandemic, mistulang binyag sa apoy ang papasok na mga jail cadet.


Mula sa 25 na kadete, apat sa mga ito ay kabilang sa Top 10 graduating cadets.

Sila ay sina BJMP Cadet 1 Class Julius Caezar Tarnate (Top 2), Cadet 1C Jerelyn D. Barua (Top 5), Cadet 1C Irish Adriane G. Gumaru (Top 6) at Cadet 1C Enrico Reyes (Top 7).

Facebook Comments