Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City, umakyat na sa 1,974

Nadagdagan ng 64 ang mga bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Umabot na sa 1,974 ang COVID-19 positive mula sa 1,910 kahapon.

Batay sa impormasyon na inilabas ng Quezon City Health Office, nasa 1,789 na ang kumpirmadong may kumpletong address sa Quezon City at na-berepika ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.


Habang sa datos ng Local Government Unit (LGU), nasa 785 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Labing-walo naman ang naidagdag sa mga gumaling.

Sa kabuuan, mayroon ng 614 na ang nakarekober.

Isa naman ang naidagdag sa bilang ng binawian ng buhay.

Sa ngayon, nasa 166 na ang nasawi.

Facebook Comments