25 LGU sa ARMM kandidato sa Seal of Good Local Governance 2017 -DILG ARMM

Dalawampu’t limang mga Local Government Unit sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao ang kandidato ngayong taon para maparangalan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) or Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal.

Ito ang masayang ipinarating ni Department of Interior and Local Government ARMM Secretary Atty . Noor Hafizullah Abdullah sa ginawang tapatan sa ARMM ngayong umaga.

Indikasyon lamang aniya ito na lalo pang nagpupursige ang bawat LGU sa rehiyon na ipakita at iparamdam sa kani kanilang mga nasasakupan ang tunay ng serbisyong pang gobyerno giit pa ni Sec. Abdullah.


Tumaas rin aniya ng bilang ng mga LGU na nakatakdang paparangalan mula anim noong nakaraang taon. Labing lima rito ay nagmumula sa lalawigan ng Maguindanao, 4 sa Basilan, 3 sa Lanao Del Sur at 2 mula sa lalawigan ng Sulu.

Sinasabing kabilang sa tinitingnan na assessment criteria sa bawat LGU kung pasado ba ito sa Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business- Friendliness and Competitiveness, Environmental Management at Tourism Culture and Arts.

Kaugnay nito hinimok naman ng kalihim na magsilbi sanang inspirasyon ang mga performing LGU at Local Chief Executive sa lahat ng mga taga ARMM.

Ang ARMM ay mayroong 116 na munisipyo, dalawang syudad at limang lalawigan.

Ang SGLG ay nagpapakita bilang gobyernong may malasakit tungo sa pagbabago at patuloy na pag unlad.

Matatandaang laging sinasabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman sa lahat ng LGU na magsilbi ng naaayon sa sinumpaang tungkulin, “ Bangsamoro higit sa Sarili”. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments