25-M dose ng Sinopharm vaccine, nakahandang ipadala sa Pilipinas

Nakahanda ang pharmaceutical company na may gawa ng Sinopharm vaccine na magpadala ng 25-milyong doses ng bakuna sa Pilipinas.

Ayon kay MKG Universal Drugs Trading Corporation President at CEO Atty. Mark Tolentino at exclusive distributor ng Sinopharm vaccine sa bansa, agad na magpapadala sa Pilipinas ng milyon-milyong dose ng bakuna oras na lumabas na ang Emergency Use Authorization (EUA) nito mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Aniya, noon pang Enero sila nagsumite ng aplikasyon para sa EUA pero hanggang sa ngayon ay hinihintay pa nila ang resulta nito.


Giit ni Tolentino, ang Sinopharm ang maituturing na “China’s best vaccine” na pwede sa edad tatlong taong gulang hanggang higit 100, maging sa mga may sakit na o persons with comorbidities.

Facebook Comments