25 metriko tonelada ng bawang, pinangangambahang masayang sa Batanes

Nangangambang masayang ang aabot sa 25 metric tons ng bawang sa Itbayat, Batanes dahil sa walang bumibili nito.

Ayon sa mga garlic farmers, humihingi sila ng tulong na maibenta ito imbes na mabulok at itapon lamang.

Mababatid na nasa 60 metric tons ng garlic ang mayroon sa probinsya kung saan binili na ng lokal na pamahalaan ng Itbayat ang 13.5 metric tons nito bilang suporta sa mga magsasaka.


Dahil dito ay lumapit na ang local government unit (LGU) sa mga maliliit na negosyo upang mapagbigyan ng espasyo sa pagtago ng mga stocks dahil nasa full capacity na ang storage facility ng provincial agricultural office.

Umapela naman ang mga magsasaka sa publiko na huwag magpataw ng mababang presyo sa kanilang panananim upang mabawi pa rin nila ang puhunan para sa pagtanim nito.

Facebook Comments