25 mula sa 75 local Delta variant cases, nasa NCR – DOH

Natukoy ng Department of Health (DOH) na 25 mula sa 72 local cases ng Delta variant ng COVID-19 ay natunton sa Metro Manila.

Nabatid na nakapagtala na ang Pilipinas ng 119 Delta variant cases, 72 ay ikinokonsiderang local cases habang 47 ay returning overseas Filipinos.

Mula sa nasabing kaso, 10 ay nasa Lungsod ng Maynila, pito sa Pasig City, dalawang kaso sa San Juan, tig-isang kaso sa Las Piñas, Makati, Malabon, Quezon City, Taguig, at Parañaque.


Ayon kay DOH-National Capital Region (NCR) Epidemiology and Surveillance Unit Head Dr. Manuel Mapue II, wala pang matibay na pruweba para sabihing nakakaranas na ng surge ang Metro Manila kahit nakikitaan ng pagtaas ng kaso.

“Karamihan sa ating local government units nag-uumpisa na ring tumaas although hindi pa stable ang pagtaas. May araw na mababa. Merong araw na konti lang ang nadadagdag sa kaso nila,” dagdag ni Mapue.

Sinabi rin ni Mapue na nagkakaroon ng pagtaas ng kaso sa Las Piñas, Makati, Pasay at San Juan.

Para maikonsiderang surge, sinabi ng DOH official na dapat mayroong “steady” na paglobo ng kaso.

Hinikayat ng DOH ang mga LGU na paigtingin ang prevent, detect, isolate, treat, at reintegrate (PDITR) strategy.

Facebook Comments