Nasa 25 pamilya ang inisyal na apektado ng pagbaha at landslide sa Barangay Saravia, Koronadal City epekto ng pagbuhos ng ulan kagabi, ito ang batay sa datos ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ayon kay CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano ang mga residente na apektado ng kalamidad ang mula sa Sitio Cabuling, Dungan Lahek at old El Gawel ng nabanggit na Barangay.
Kinumpirma din ni Urbano na may naitala din silang tatlo katao na sugatan sa nangyaring pagbaha at pagguho ng lupa sa lugar.
Agad namang nagbigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Koronadal City at South Cotabato sa mga apektadong pamilya ng nangyaring kalamidad.
Samantala,nakatanggap din ng ulat ang Cdrrmo Koronadal mula sa Barangay Mambucal na hindi din madaanan ang daan patungo sa ‘hot spring’ na nagsisilbing tourist destination sa lugar dahil sa baha.
Sa ngayon nagpapatuloy ang assessment at clearing operation sa mga apektadong lugar ng kalamidad.
photo credit to: Cdrrmo Head Cyrus Urbano
25 pamilya apektado ng baha at landslide sa BarangaySaravia, Koronadal City.
Facebook Comments