*Cauayan City, Isabela- *Sinibak sa pwesto ang nasa 25 na mga pulis sa lambak ng Cagayan matapos ang isang buwan na ebalwasyon ng pamunuan ng Police Regional Office (PRO) 02*.*
Ayon sa pahayag ni RD PBGen Angelito Casimiro, ang pagkakasibak ng mga hepe ay naglalayong mas mapabuti ng bawat yunit ang kanilang performance at pagbibigay ng sapat na serbisyo sa publiko.
Dito na rin aniya makikita kung epektibo ang kanilang pamumuno sa pamamagitan ng kanilang mga accomplishments gaya sa Anti-illegal drugs campaign, Anti-criminality at anti-illegal gambling.
Matatandaan na una nang inatasan ni PNP OIC P/Lt Gen. Archie Francisco Gamboa ang lahat ng hanay ng kapulisan na dapat maging responsable sa pag-implimenta sa lahat ng law enforcement campaign at tiniyak nito na mananagot ang sinumang lider o hepe na hindi nagampanan ang kanyang mandato.
Narito ang ilan sa mga Chief of Police ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na sinibak at pumalit sa kanila:
Papalitan ni PCapt Renz Baluran ang hepe ng San Mariano PS na si PMaj Fedimer Quetives; sa Jones PS, papalitan ni PCapt Efren Tangonan si PMaj Jerry Valdez; sa Cordon PS, papalitan ni PMaj Darwin Urani si PMaj Vicente Guzman; sa Burgos PS, papalitan ni PCapt Fernando Mallillin si PCapt Juan Deodato; sa San Agustin PS, papalitan ni PCapt Prospero Agonoy si PCapt Ian Bumanglag, sa Quezon PS, papalitan ni PCapt Melvin Villanueva si PCapt Freisiel Dela Cruz; sa Luna PS, papalitan ni PCapt Melchor Aggabao si PCapt Jonathan Binayug; sa Qurino PS, papalitan ni PCapt Mervin Delos Santos si PCapt Rostum Orteguero, sa Delfin Albano PS, papalitan ni PCapt Roel Mina si PCapt Ericson Aniag, sa Divilacan PS, papalitan ni PCapt Gerriyel Frogoso si PMaj Jose Torijos, sa Santa Maria PS, papalitan ni PCapt Regelio Natividad si PMaj Rey Tad-o; sa Aurora PS, papalitan ni PCapt Christopher Danao si PCapt Villamor Andaya habang sa S3 ay papalitan ni PMaj Arnold Bulan si Lt/Col Arnulfo Ibañez, at sa S4 ay papalitan naman ni PMaj Ruby Capinpin si PMaj Arnold Bulan.
Pinalitan din ang ilan sa mga hepe sa Nueva Vizcaya, Quirino, at Cagayan PPO.
Inaasahan sa mga bagong talagang hepe ng bawat yunit sa Lambak ng Cagayan na gagawin ang kanilang mandato sa kanilang nasasakupan.