25-taon-gulang na buwaya, nadiskubreng naninirahan sa silong ng isang bahay

COURTESY: Madison Township Police Department

Nakatanggap ng ‘di pangkaraniwang sumbong ang pulisya na mayroon umanong buwaya na naninirahan sa bahay ng isang pamilya sa Ohio, US.

Nadiskubre ng Madison Township police ang 5-talampakang buwaya na inalagaan sa silong ng bahay sa Groveport noong Pebrero 27.

Ipinagbigay-alam ito sa Department of Agriculture at nakumpirmang walang permit ang pamilya na kumupkop ng exotic animal.


Batay sa isang opisyal sa ulat ng CNN, sinabi ng may-ari ng bahay na binili ng kanyang anak ang hayop sa bentahan ng reptile 25 taon na ang nakararaan.

Boluntaryo naman nilang isinuko sa awtoridad ang buwaya na dadalhin sa animal sanctuary sa South Carolina.

Mabuti naman umano ang kondisyon ng hayop, ayon sa awtoridad.

Ipinagbabawal sa Ohio ang buwaya, tigre, oso, at iba pang mabangis na hayop sa bisa ng Senate Bill 310.

Facebook Comments