Pinagkalooban ng 25 taong prangkisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Davao City government para magpatakbo ng mga radio station.
Batay sa Republic Act No. 11538 na nilagdaan ng pangulo noong Mayo 18, binibigyan nito ng pahintulot ang Davao City government na magtayo, install, operate at magkaroon ng radio broadcasting stations para sa commercial purposes at interest ng publiko.
Kailangang makakuha ng mga permit at lisensiya ang Davao City mula sa National Telecommunications Commission (NTC) para makapagtayo at makapag-operate ng mga station o pasilidad nito.
Maituturing namang kanselado ang prangkisa kung ang binigyan nito ay nabigong magsimula ng operasyon sa loob ng tatlong taon mula sa pag-apruba ng NTC permit nito.
Maliban sa Davao City, binigyan din ng pangulo ng 25 taong prangkisa ang Instant Data Inc., Palawan Broadcasting Network at Highland Broadcasting Network.