VP Leni Robredo, walang naramdamang malalang side effects matapos mabakunahan ng AstraZeneca

104

Tiniyak ni Vice President Leni Robredo na nasa maayos pa rin siyang kalagayan matapos maturukan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine nitong Miyerkules (May 19).

Sa Facebook page ng Bise Presidente sinabi nito na bagama’t nakakaramdam ng antok at pagkahilo, hindi na siya nakaramdam pa ng malalang side effect.


Palagi naman niyang binabantayan ang kalagayan ng kaniyang katawan at inihahanda ang mga kinakailangan tulad ng gamot, jacket, medyas, kumot at tubig upang mawala ang kakaibang pakiramdam.

Si VP Leni ay kasama sa A3 vaccination priority o persons with comorbidities dahil sa kaniyang hypertension kung saan kasama niya ang kaniyang mga staff nang magpabakuna kontra COVID-19.

Ilan naman sa mga staff nito na kasabay nitong bakunahan ay nakaramdam ng side effect.

Facebook Comments