Manila, Philippines – Nasa 250 Maute member pa ang natitirang nagtatago mula sa tropa ng gobyerno sa Marawi City.
Ito ang ibinalita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kung saan estima ng militar, aabot pa sa 500 ang bilang ng Maute Group nang magsimula ang bakbakan dalawang linggo na ang nakalipas.
Ayon kay Lorenzana, binago nila ang una nilang count na 200 dahil nasa 120 na ang napatay na miyembro ng ISIS-inspired group at hindi pa kasama ang unaccounted Maute members pero malakas pa rin ito.
Nakatanggap na rin ang militar ng impormasyon mula sa lokal na pamahalaan ng Marawi na mayroong mga Maute sa lugar na humihingi na ng baril at bala sa mga bahay sa Marawi na syang senyales na humihina na ang mga ito.
Kaya’t sa estima ng Defense Chief nasa 250 na lang kakalabanin ng tropa ng gobyerno pero hindi isinasantabi ang kakayanan ng mga ito na dumipensa sa militar.
DZXL5