London Bridge, pansamantalang isinara matapos sagasaan ng isang van ang mga pedestrian na nandoon sa nasabing tulay

World – Pansamantala naman isinara ang London Bridge matapos sadyang sagasaan ng isang puting van sakay ang dalawang lalaki ang mga pedestrian na naglalakad sa nasaibng tulay.

Base sa report, hindi pa din mabilang kung ilan ang casualties sa nasabing insdente at hindi pa din malinaw kung naaresto ang mga suspek.

Matatandaan na mayo-a-bente dos ng isang suicide bomber ang nakapatay sa 22 –katao pagkatapos ng concert ni Ariana Grande sa Manchester area kung saan kasalukuyan nandoon din ang singer para sa isang benefit concert.
Dalawang buwan na din ang nakakaraan nang sagasaan ng isang lalaking sakay ng suv ang apat katao sa sidewalk ng Westminster Bridge sa London.
DZXL558


Facebook Comments