Umaabot na sa 2,500 na Overseas Filipino Workers (OFW) claimants ang nakakuha ng kanilang payouts sa Saudi Government.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, katumbas ng 130 million Saudi Riyals o P1.95 billion ang kabuuang claims na naibigay na sa OFWs.
Tumutulong na rin ang pamahalaan sa pagpalit sa cash ng tseke na natatanggap ng Pinoy claimants.
Asahan pa aniya ang pagdating ng payouts para sa iba pang OFWs sa mga susunod na batch.
Kabuuang 10,000 Pinoy workers ang nawalan ng trabaho mula sa mga naluging construction companies sa Saudi Arabia noong 2015.
Facebook Comments