25,000 indibidwal na naapektuhan ng Bagyong Odette, makikinabang sa TUPAD program ng DOLE

Sa layuning matulungan ang ating mga kababayan na matinding naapektuhan ng Bagyong Odette.

Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ₱100 milyong pondo para sa kanilang cash-for-work program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged-Displaced o mas kilala sa TUPAD program.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Atty. Karina Perida-Trayvilla, ang Director ng Bureau of Workers and Special Concerns ng DOLE na para ito sa 25,000 na mga manggagawa mula sa informal sector na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.


Sa katunayan ayon kay Trayvilla, nakapagsimula na ang cash for work sa Region 8 nitong December 17 habang sa Region 10 ay nagsimula na rin nitong Lunes at sa Regions 6, 13, Mimaropa at Cebu ay magsasagawa pa lamang ng rapid profiling para sa mga beneficiaries na sasailalim sa TUPAD Program.

Base sa pinakahuling direktiba ni Labor Sec. Silvestre Bello III pinalawig na ang TUPAD Program.

Maaari aniya itong magtagal ng 10 hanggang 90 araw depende sa klase ng trabaho.

15 araw para sa tutulong sa relief repacking, 45 araw sa paglilinis ng kanal at iba pa matapos ang kalamidad at 90 araw kapag kasali sa konstruksyon ng daan at iba pang imprastraktura na nasira ng bagyo.

Facebook Comments