Mahigit 100,000 mga bahay, napinsala ng Bagyong Odette ayon sa NDRRMC

Problemado ngayon ang maraming pamilya na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Ito ay dahil magpa-Pasko pero sira ang kanilang mga bahay.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 136, 369 ang napinsala ng bagyo.


83, 633 dito ang partially damage habang 52, 736 naman ang tuluyang nawasak ng bagyo.

Ang mga napinsalang bahay ay sa Region 4B, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.

Tinataya namang P4.8 million ang halaga ng mga napinsalang bahay.

Facebook Comments