Umakyat na sa 25,000 na kabataan ang nagparehistro sa bakunahan sa Kabataan Vaccination Program ng Las Piñas City government kahapon, Nobyembre 4.
Patuloy pa rin ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan sa mga magulang at guardians na iparehistro ang kanilang mga anak para makatanggap ng libreng bakuna mula sa gobyerno.
Sa ikalawang araw ng pagbubukas ng bakunahan sa general pediatric population na may edad 12 hanggang 17 anyos, pinangunahan ni Vice Mayor April Aguilar ang pagbisita sa mga vaccination site sa SM Center, University of Perpetual Help System Dalta Gym 1, The Tent, Robinsons, SM Southmall at The Village Square.
Layunin nitong matiyak ng Las Piñas City government na maayos ang bakunahan sa kabataan, nasusunod ang mga itinakdang proseso at pamantayan, makapagbigay pa ng mga paraan para sa mas mapabilis at mapalawak pa ang naturang programa ng lungsod.
Nananatiling prayoridad ng lokal na pamahalaan ang kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga residente ng Las Piñas lalo na ngayong panahon ng pandemya.