Manila LGU, sisimulan na ang pagbabakuna ng mga kabataan sa mga mall

Ikakasa na ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna sa mga kabataan sa apat na mall sa lungsod.

Partikular itong gagawin sa SM San Lazaro, SM Manila, Robinsons Place Manila at Lucky Chinatown Mall na pinaglaanan ng tig-750 doses ng bakuna kontra COVID-19.

Bukod sa mga nasabing mall, magpapatuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga kabataan sa anim na district hospital sa lungsod ng Maynila na mayroon naman tig-500 doses ng bakuna.


Magsisimula ang pagbabakuna sa mga mall ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi habang alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa mga disitrict hospital.

Sa kasalukuyan, nasa 11,075 na amg kabuuang bilang mg mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang ang nabakunahan sa lungsod ng Maynila habang nasa higit 50,000 ang naitalang magparehistro na nais magpabakuna.

Facebook Comments